Isinailalim na sa State of Calamity ang Surigao Del Norte matapos yanigin ng 6.2 magnitude na lindol.
Ayon kay April Rose Sanchez, OCD CARAGA Region Information Officer malawak ang pinsala ng lindol sa lalawigan kung saan nasawi ang walo katao.
Kabilang sa pinsala ng lindol ang Anao Aon bridge sa bayan ng San Francisco, mga bahay at iba pang imprustruktura sa mga barangay ng Baya-Ag at Biabid sa bayan ng Sison gayundin ang mga bahay, gusali at kalsada sa munisipalidad ng mainit.
Nasira rin ng lindol ang bahagi ng Surigao City Trade School, Provincial Guests Center sa Dinagat, Surigao State College of Technology at Yuipco Building.
Samantala mananatiling sarado sa loob ng isang buwan para sa kaukulang pag kumpuni ang Surigao City Airport.
By: Judith Larino