Sinalubong ng 5.2 magnitude na lindol ang gising ng mga taga-San Isidro, Surigao Del Norte kaninang 6:11 ng umaga.
Batay sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na naramdaman sa iba pang bayan sa Surigao Del Norte.
Naitala ang intensity 4 sa mga bayan ng San Isidro,Burgos at Santa Monica.
Intensity 3 naman sa Surigao City, intensity 2 sa Loreto, dinagat province, mainit at Socorro.
Wala namang naiulat na nasaktan at ari-ariang nasira sa lindol.
By: Aileen Taliping (patrol 23)