Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Surigao del Norte dakong alas-7:57 kagabi.
Batay sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong siyam na kilometro ng bayan ng Libjo at lalim na 22 kilometro.
Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ang intensity five sa bayan ng Libjo, Surigao City, mga bayan ng Guiuan, Mercedes at Salcedo sa Eastern Samar at San Jose sa Dinagat Island.
Intensity four naman sa bahagi ng Carrascal at Cantilan sa Surigao del Sur, ilang bahagi ng Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Butuan City, Placer at Mainit sa Surigao del Norte at Roasio Agusan del Sur.
Wala namang naitalang pinsala ang lindol bagama’t ibinabala ng PHIVOLCS ang mga aftershock.
—-