Muling niyanig ng magnitude 3 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte kaninang mag-aala una ng hapon.
Natukoy ng PHIVOLCS ang episentro ng pagnyanig sa layong labing tatlong kilometro hilagang silangan ng General Luna.
May lalim itong labing pitong kilometro mula sa sentro at tectonic ang pinagmulan nito.
Ayon sa PHIVOLCS, ang naturang pagyanig ay bahagi ng nararamdaman aftershocks makaraang tumama ang magnitude 5.9 na lindol nuong biyernes.
Sa kabila nito, wala namang naitalang pinsala o napaulat na nasugatan sa nangyaring pagyanig.