Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte ganap na 8:50 p.m., Huwebes, Nobyembre 7.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 16 kilometro hilagang-silangan ng General Luna.
May lalim itong 15 kilometro.
Samantala, naitala rin ang magnitude 3.0 na aftershock sa layong 8 kilometro hilagang-silangan ng Tulunan, Cotabato.
May lalim naman itong 32 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala sa mga ari-arian.