Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Surigao Del Norte province.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natunton ang ‘epicenter’ ng pagyanig sa layong 13 kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Burgos.
Naramdaman ang intensity 2 sa Surigao City at intensity 3 naman sa ilang bahagi ng lungsod.
Sinasabing ‘tectonic in origin’ ang lindol at may lalim itong 21 kilometro.
Wala namang naitalang malaking pinsala at inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.