Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang bahagi ng San Francisco, Surigao del Norte, alas otso kaninang umaga.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, anim na kilometro sa kanluran ng San Francisco.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na labing tatlong kilometro.
Naramdaman ang intensity 6 sa Surigao city; at intensity 4 sa Limasawa at San Ricardo sa Southern Leyte.
Naramdaman naman ang intensity 3 sa San Juan at San Francisco SA Southern Leyte; at intensity 2 sa General Luna, Surigao del Norte.
Sinabi ni PHIVOLCS Dir. Renato solidum na ang naturang pagyanig ay maari pang maiugnay sa magnitude 6.7 na lindol na tumama sa parehong probinsya noong nakaraang buwan.
Pinayuhan din ni Solidum ang publiko na palaging maging handa sa posibleng pagtama ng malakas na lindol at tiyaking matibay ang mga itinatayong bahay at iba pang establisyemento.
By Katrina Valle