Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Surigao Del Norte kagabi.
Ayon sa phivolcs, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 38 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Burgos.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 16 na kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa Burgos, Surigao Del Norte, Surigao City at Dinagat Island.
Intensity 4 naman sa Butuan City, Abuyog, Leyte, Hinunangan, San Francisco, San Ricardo at Tacloban City sa Leyte.
Naitala naman ang intensity 2 sa Camiguin Island.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay nakapagtala naman na agad ng ilang aftershocks ang naturang lindol.
Una rito, niyanig naman ng magnitude 4.1 na lindol ang North Cotabato kung saan natukoy ang sentro nito sa layong limang kilometro hilagang silangan ng bayan ng Carmen.