Sinibak sa pwesto ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Surigao Del Sur Mayor Roberto Luna dahil sa pag-apruba nito sa iligal na pagbili ng mahigit 18 Milyong Pisong halaga ng Ghost Communication equipment mula sa Philex Trading General Merchandise.
Ginamit umano ang pork barrel fund ni dating Representative Peter Paul Jed Falcon at walang naganap na public bidding.
Kasama rin sa dismissal order ang mga nasa bids and awards committee na direktang sangkot.
Batay sa Record ng 2007, bumili ang resopondents sa pamamagitan ng direct contracting na 36 na set ng long range radio telephone na mayroong isang mother base, 9 na unit ng programmable handset, 10 unit ng battery charger, 10 unit ng chargeable battery, 10 unit ng telephone jacket, isang yunit ng connector, isang unit ng umbrella type antenna na may keyboard, 10 unit ng operating manual, at 35 set ng super long range cordless radio telephone double base na may cable umbrella type antenna.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc