Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang Surigao del Sur, alas-9:19 kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, namataan ang sentro ng lindol dalawampung kilometro timog -silangan sa munisipyo ng Marihatag.
May lalim ang lindol na 16 na kilometro at naramdaman ang intensity 2 sa Bislig City, Surigao del Sur.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa nangyaring pagyanig at wala ring inaasahang anumang aftershocks.