Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasukat ang episentro ng lindol sa layong labing-apat na kilometro timog-silangan ng bayan ng Cagwait.
Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 26 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Bislig City habang intensity II sa
Surigao City, Gingoog City (Misamis Oriental) at Abuyog, Leyte at Intensity I naman sa Cagayan de Oro City.
Wala namang iniulat na pinsala at wala ring naitalang aftershocks sa nasabing pagyanig.