Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur, dakong 3:49 kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 52-kilometro Hilagang Silangan ng bayan ng Bayabas.
May lalim itong 16- kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang aftershocks ang PHIVOLCS at hindi rin nagresulta sa pagkasira ng mga ari-arian.