Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Surigao del Sur.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isa ito sa mga maituturing na aftershocks ng magnitude 5.7 na lindol noong Setyembre 21 sa nabanggit na probinsya.
Sinasabing pagyanig ay may lalim na apat na kilometro sa hilagang-silangan ng bayan ng Bayabas.
Wala namang naitalang pinsala ang Philvolcs sa naturang lindol.