Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology Seismology, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 30 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Tandag.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 26 na kilometro.
Naramdaman ang intensity 2 sa Surigao City habang intensity 1 naman a Bislig City.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.