Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Surigao del Sur kaninang alas-4:07 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang sentro ng pagyanig sa pitumpu’t limang (75) kilometro silangan ng hinatuan na may lalim na labing siyam (19) na kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na labing siyam (19) na kilometro.
Nasundan pa ito ng magnitude 3.9 na lindol dakong alas-7:45 ng umaga.
Wala namang napaulat na napinsala o nasaktan sa naturang pagyanig.
By Ralph Obina
Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4 na lindol was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882