Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Surigao Del Sur.
Ayon sa Phivolcs naitala ang epicenter ng lindol sa layong 34 na kilometro hilagang silangan ng hinatuan, may lalim na apat naput limang kilometro at tectonic in origin.
Naramdaman din ang pagyanig sa Bislig City sa intensity 3 , Gingoog City, Misamis Oriental – Intensity 2 at intensity 1 sa Surigao City, Cagayan De Oro City, Kidapawan Cit, Tupi sa South Cotabato at Malungon At Alabel sa Saranggani.
Ipinabatid ng Phivolcs ang posibleng pinsala ng nasabing lindol at asahan ang aftershocks.