Niyanig ng Magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur pasado alas 3:00 kahapon ng hapon.
Natukoy ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig sa layong labing pitong kilometro hilaga ng Corles sa nasabing lalawigan.
May lalim na labing limang kilometro ang naturang pagyanig mula sa episentro at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang aftershock matapos ang nasabing pagyanig at wala ring napaulat na pinsala ng lindol.