Isinusulong ng Department of Tourism (DOT) ang Surigao City kung saan matatagpuan ang isla ng Siargao bilang sentro ng Water Sports Tourism sa bansa.
Ayon kay Surigao City Mayor Ernesto Matugas Jr., muling gaganapin sa syudad ang International Dragon Boat Festival na dinadayo ng maraming dayuhan.
Aniya, hindi lamang dragon boat kundi kaya i-accommodate ng lugar maging iba pang water sports.
Sinabi naman ni Tourism undersecretary Arturo Boncato Jr., malaki ang pag-asa ng naturang syudad para sa sustainable tourism.
Sa tala ng DOT, 288, 219 turista ang bumisita sa Surigao City noong 2018 kung saan karamihan sa mga ito nagtungo sa Siargao Island.