Limbang beses inuga ng mahinang paglindol ang ilang bayan ng Surigao Del Sur at Surigao Del Norte nitong magdamag.
Sa pinakahuling earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang Magnitude 3.0 na lindol sa bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte kaninang alas-12:34 ng hatinggabi at sinundan ito ng Magnitude 3.5 bandang ala-1:18 ng madaling araw.
Sunod na inuga ng lindol ang tatlong bayan ng Surigao Del Sur kung saan unang naitala ang Magnitude 1.7 sa bayan ng Bayabas bandang ala-1:33 ng madaling araw na sinundan ng Magnitude 2.3 bandang alas-4:31 ng umaga.
Panghuli ang tumamang Magnitude 2.3 sa silangang bahagi ng bayan ng Cortes, Surigao Del Sur.
Tectonic o ang regular na paggalaw ng ilalim ng lupa ang sanhi ng magkakasunod na lindol ayon sa Phivolcs.