Nagsagawa ng surprise inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang warehouse ng National Food Authority o NFA sa Valenzuela City.
Ayon kay PBBM, ginawa niya ito upang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng bigas sa mga ‘Kadiwa ng Pasko’ sites na maaaring mabili sa halagang P25 kada kilo.
Sinabi ng punong ehekutibo na sapat ang rice supply sa nasabing warehouse kahit nagbawas na ng importasyon ang gobyerno habang pinaprayoridad ang pagbili nito sa mga lokal na magsasaka.
Bago ang surprise inspection, pinangunahan ni PBBM ang paglulunsad ng ‘Kadiwa ng Pasko’ sa lungsod kaya’t pumalo na sa mahigit 350 ang Kadiwa sites sa iba’t ibang panig ng bansa.
Samantala, tiniyak naman ng Pangulong Marcos na gumagawa na ng paraan ang administrasyon kung paano iha-handle ang mga puslit na sibuyas at kung paano ito dadalhin sa merkado.