Hindi lamang sa Metro Manila ang ginagawang inspeksyon ng Philippine National Police o PNP sa mga tauhan nito.
Ayon ito kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao matapos masampulan ang ilang opisyal at kanilang mga tauhan sa ilang police districts sa Metro Manila kung saan nagsagawa ng surprise inspection si National Capital Region Police Office o NCRPO Director Oscar Albayalde.
Sinabi sa DWIZ ni Bulalacao na ginagawa rin ang mga biglaang inspeksyon sa mga lalawigan para makita kung talagang nagtatrabaho ang mga pulis.
Binigyang diin ni Bulalacao na dapat mahiya ang mga tamad na pulis sa taumbayan na umaasa ng higit na pagbabantay sa seguridad matapos doblehin ang kanilang suweldo.
“Tumaas na ang ating suweldo wala na tayong karapatan para hindi natin gampanan ang ating trabaho, nakakahiya sa ating mga kababayan na pinangakuan natin ng ating serbisyo, itong ginagawa ng NCRPO ay ginagawa din ng ating mga regional director sa iba’t ibang rehiyon at in fact matagal na yang ginagawa, may inspection talaga na dapat gawin.” Pahayag ni Bulalacao.
(Ratsada Balita Interview)