Dapat mas paigtingin ng pamahalaan ang surveillance ng COVID-19 cases, pabilisin ang vaccination program, at mag-ipon ng stock ng antivirals bilang paghahanda sa posibleng pagsirit ng kaso ng impeksyon.
Ito ang iginiit ni Dr. Tony Leachon, dating adviser sa National Task Force against COVID-19, kasunod ng pagkakadiskubre sa local transmission ng Omicron BA.2.12.1 sa Metro Manila, Puerto Princesa City, at Western Visayas.
Dagdag ni Leachon na kailangan aniya itaas ng pamahalaan ang budget para sa genome sequencing at paigtingin ang COVID-19 vaccination at booster shot campaign.
Ipinabatid pa ni Leachon na susuportahan niya si Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvaña sakaling italaga itong susunod na health chief.