Inilagay na ng Department of Health (DOH) sa Category 1 ang zika virus.
Ipinaliwanag ni Health Secretary Janette Garin na sa ilalim ng kategoryang ito, agad ipapaalam sa epidemiology centers ang mga hinihinalang tinamaan ng zika virus.
Sinabi ni Garin na lahat ng suspected cases ay dapat na i-report sa loob ng 24 oras, pero nilinaw din nito na hindi naman nangangahulugan na lahat ito ay zika cases, kinakailangan lang aniya’y dumaan ito sa proseso ng classification at verification.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni DOH Secretary Janette Garin
Pinawi din ni Garin ang pangamba ng publiko hinggil sa pagtaas ng naitatalang kaso ng microcephaly sa bansa, lalo na at isa ito sa mga sinasabing epekto ng pagtama ng zika virus.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni DOH Secretary Janette Garin
Una na ring naglabas ang DOH ng advisory sa publiko kontra zika virus, kabilang na ang sintomas, prevention at treatment laban sa nasabing sakit.
By Katrina Valle