Pinaigting pa ng Manila International Airport Authority o MIAA ang kanilang surveillance upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa gitna ng dumaraming kaso ng tanim-bala modus.
Ayon kay MIAA Spokesman David Castro, tinitignan na rin nila ang kanilang operational procedures maging ang posibleng scenario na maaaring palihim inilagay ang mga bala sa bagahe ng mga pasahero.
Nagpapatuloy na rin anya ang imbestigasyon ng Office of Transport Security at PNP-Aviation Security Group at tututukan na rin ng MIAA ang alegasyon ng isang netizen laban sa isang taxi driver na sangkot umano sa modus.
Dagdag ni Castro, simula noong 2008 ay halos 40 airport security personnel na ang inimbestigahan kaugnay sa mga insidente ng tanim-bala.
Sa ngayon ay limang kaso pa lamang ng tanim-bala ang naka-record simula nang mabunyag ang nabanggit na modus.
By Drew Nacino