Plano ng Pilipinas na maglagay ng satellite based tracking system para sa mga commercial flight sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director-General Rodante Joya, layon nito na matunton ang galaw at matiyak ang kaligtasan ng mga aircraft na dumaraan sa mga pinag-aagawang isla.
Ilalagay anya ang surveillance system na nagkakahalaga ng P50 million pesos sa Thitu o Pag-asa Island, ngayong taon.
Enero 7, nang harassin ng Chinese Navy ang isang maliit na civilian plane na may mga lulang opisyal CAAP na nag-inspeksyon sa Pag-asa.
By Drew Nacino