Halos kalahati ng mga rehistradong botante ang umaasang magiging malinis at credible ang eleksyon sa Mayo.
Batay ito sa survey ng Pulse Asia na ginawa sa pagitan ng Enero 24 hanggang 28.
Sa survey, 48 percent ng mga respondent ang pumabor sa pahayag na, “magiging malinis at credible ang eleksyon sa Mayo 2016, dahil ang bilangan ng boto ay automated.”
Habang 36 percent din ng respondents ang hindi pa makapagpasya at 15 porsyento naman sa mga ito ang kumokontra sa naturang pahayag.
Dayaan
Apat sa bawat sampung Pilipino o katumbas ng 39 na porsyento, ang nagsabi na inaasahan na nilang magkakaroon ng dayaan sa eleksyon sa Mayo.
Ito ay ayon sa survey ng Pulse Asia, na ginawa sa pagitan ng Enero 24 hanggang 28, sa 1,800 rehistradong botante.
Habang 29 na porsyento naman ng mga respondent ang nagsabi na hindi nila inaasahan na mayroong mandaraya sa eleksyon at 32 percent naman ang undecided.
Sa mga nagsabi na inaasahan na nila ang pagkakaroon ng dayaan, 65 percent sa mga ito ang nagsabi na magiging laganap pa din ang pagbili sa boto.
By Katrina Valle
Photo Credit: (AP Photo/Aaron Favila)