Hindi nababahala ang Malakaniyang sa pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na nasisiyahan sa kampaniya kontra droga ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nananatiling mataas ang satisfaction ratings ng administrasyon sa anti-drug campaign sa kabila ng mga batikos mula sa mga kritiko.
Mayorya pa rin ng mga Pilipino ang naniniwala sa layunin ng Pangulo na linisin ang bansa mula sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.
Iginiit din ni Abella na ang pitumpung porsyento ng mga naniniwala ay sapat na para gawing inspirasyon para pag-ibayuhin pa ang kanilang pagtatrabaho.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping