Si administration bet Mar Roxas at hindi si Vice President Jejomar Binay umano ang may pinakamalaking nagastos pagdating sa political advertisement sa radyo at telebisyon.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Joey Salgado, Media Affairs Chief ng Office of the Vice President (OVP) bilang depensa sa inilabas na resulta ng survey ng kumpaniyang AC Nielsen.
Kata-kata aniya ang inilabas na resulta na para umano sa taong 2015 ngunit kinuha lamang ang resulta sa pagitan ng mga buwan ng Enero hanggang Nobyembre.
Gayung hindi naman aniya kinuha ng survey firm ang resulta sa buwan ng Disyembre kung saan, makukuha ang kabuuan ng mga nagastos ng mga kandidato.
“Kami din naman ay nakakakuha ng report ng Nielsen eh, yung monitoring report nila and nung isang gabi nga nakita na namin na hanggang December sila, hindi lang TV ito, total advertising spending, at kung yun ang pagbabasehan mo based on the data ng Nielsen na nakuha namin ay si Mr. Mar Roxas gumastos ng P774 million pesos.” Pahayag ni Salgado.
Kasabay nito, tiniyak ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na hindi maniningil ang mga nag-donate ng campaign funds sakaling mahalal ito bilang pangulo.
Sinabi ni Salgado, na normal lamang na tumanggap ng campaign contributions ang isang kandidato mula sa mga kaalyado.
Giit ni Salgado, kailangan ng pondo ng isang partido upang umusad ang kampanya ng mga kandidato nito.
By Jaymark Dagala | Jelbert Perdez | Karambola