Hindi kapani-paniwala.
Ito ang reaksyon ng Kilusang Mayo Uno sa ipinalabas na survey ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing bumaba sa 6.5 percent ang bilang ng mga walang trabaho kumpara sa 6.7 percent na unemployment rate noong nakaraang taon.
Ayon kay KMU Chairperson Elmer Labog, salungat ito sa datos ng Social Weather Stations na nagpapakitang mula sa 19.1 percent na unemployment rate para sa unang quarter ng taong 2015 ay tumaas pa ito sa 23.2 percent sa ikalawang bahagi ng taon.
Dahil dito, iginiit ni Labog na wala nang pinagkaiba ang pamahalaan sa administrasyong Arroyo na may ugali aniyang baluktutin ang mga datos para sa layuning pabanguhin ang lagay ng labor sector.
By: Ralph Obina | Aya Yupangco