Duda si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang resulta ng survey na kumikilala sa Caloocan City Police bilang pinaka-mapagkakatiwalaang istasyon ng pulisya sa Metro Manila.
Partikular na tinukoy ng obispo ang survey ng National Police Commission – National Capital Region simula October 30 hanggang November 10, 2017.
Ayon kay David, nakapagtataka ang resulta ng survey gayong sinibak lahat ni N.C.R.P.O. Chief, Dir. Oscar Albayalde ang buong puwersa ng Caloocan Police noong Setyembre.
Kinuwestyon din ng Obispo ang naging batayan ng isinagawang pag-aaral ng NAPOLCOM at kung pinag-basehan ang dami ng bilang ng mga napapatay sa ilalim ng Tokhang operations.
Naging kontrobersyal ang mga Pulis Caloocan makaraang masangkot ang ilan sa kanila sa pagpatay ng mga teenager na sina Kian Delos Santos, 17 anyos at Carl Angelo Arnaiz, 19 anyos.
Posted by: Robert Eugenio