Ikinatuwa ng Malacañang ang lumabas na survey ng Social Weather Stations o SWS na marami pa ring Pinoy ang nananatiling positibong gaganda pa rin ang kanilang buhay sa hinaharap.
Ito’y sa kabila ng maraming pagsubok na kinahaharap ng bansa sa kasalukuyang panahon batay na rin sa background ng nasabing survey na siyang pinakamataas mula noong 2010.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., makatutulong pa rin ang pagkakaroon ng positibong pananaw para sa positibong aksyon.
Kabutihan pa rin aniya ng bansa ang pinaka-ultimatum na benepisyo ng nasabing survey kung saan, 32 porsyento ng mga Pinoy ang nagsabi at naniniwalang gaganda pa rin ang kanilang buhay sa mga susunod na panahon.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)