Inihayag ng isang political analyst na hindi nakadepende kung sino ang pipiliin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential candidates para piliin rin ng mga botante.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Prof. Ramon Casiple na ito ay dahil may sariling pag-iisip ang mga botante lalo’t patapos na ang kampanya.
Paliwanag ni Casiple na ang mga darating na survey pa lamang ang seryoso.
Pero hindi lamang aniya survey ang batayan sa pagpili ng kandidato. —sa panulat ni Airiam Sancho