Hindi pa maaaring maging batayan ang mga resulta ng survey ngayon.
Ipinaliwanag ni Pulse Asia survey President Ronald Holmes, ito ay dahil marami pang maaaring mangyari sa mga susunod na buwan, lalo na at wala pang pormal na nag-aanunsyo ng kanilang kandidatura.
“Hindi mo matatanggal na mayroong isang contender diyan na medyo mataas ang proportion ng boto na maaaring hindi tumakbo, kapag nangyari yun magkakaroon ng pagkakaiba sa distribution ng suporta.” Ani Holmes.
Poe-Binay
Mahalaga ang puntos sa pagitan nina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay, sa lumabas na resulta ng Pulse Asia Survey.
Ayon kay Pulse Asia President Ronald Holmes, ito ay dahil kahit ibawas ang plus /minus 3 na margin of error nila, ay mayroon pa din dalawang puntos sa pagitan ng dalawang kandidato.
Binigyang diin ni Holmes na malaki din ang nagiging epekto ng mga lumalabas na balita, sa pagdedesisyon ng publiko, sa kanilang iboboto.
“Malaki ang bearing ng mga balitang ito kasi very attentive ang public, sa aming mga pagsusuri majority ng publiko ay attentive sa news, ay nakikinig ng balita, atleast mga 3 o 4 beses sa isang linggo at kung anong nasa balita ay makakaapekto sa kanilang voting decision.” Pahayag ni Holmes.
By Katrina Valle | Karambola