Walang otorisasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas ang isinagawang survey sa Benham Rise nuong 2004.
Ayon ito kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa kaniyang pagharap sa Senate Committee on Science and Technology kaugnay sa parehong pag aaral na naging susi para pangalanan ng China ang limang underwater features nito.
Inamin ni Esperon na hindi batid ng Pilipinas ang mga impormasyon nuong mga panahong yan dahil sa kapasidad na rin ng gobyerno na i monitor ang lugar.
Wala aniyang permit at hindi dumaan sa proseso ang isinagawang MSR o Maritime Scientific Research sa mga katubigang bahagi ng Luzon nuong 2004.
Posted by: Robert Eugenio