Pinatututukan ng publiko ang pagkakaroon ng mas mataas na sahod at ang problema sa ipinagbabawal na gamot sa magigiging susunod na Pangulo ng bansa.
Ito ay ayon sa Pulso ng Bayan survey na isinagawa ng Pulse Asia sa pagitan ng Enero 24 hanggang 28 sa 1,800 respondents.
Sa survey, tinanong ang respondents ng “sa mga sumusunod na isyung pambansa, pakisabi kung anong tatlong isyu ang dapat aksyunan kaagad ng inyong napiling kandidato kapag siya ay naupo bilang presidente. Alin dito ang pinakauna, ikalawa at ikatlo.”
Nasa 38 porsyento ng respondents ang nagsabi na nais nilang gawing prayoridad ang pagtataas ng sahod, at 36 na porsyento naman ang nagsabi na dapat din tutukan ang problema sa ilegal na droga.
Nakakuha naman ng tig-30 porsyento ang pagkokontrol sa inflation at pagsugpo sa korupsyon sa pamahalaan, Habang 29 percent naman ang kahirapan at 26 na porsyento ang paglikha ng mas maraming trabaho.
By Katrina Valle