Si Vice President Jejomar Binay ang itinuturing na most trusted government official.
Batay ito sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula May 30 hanggang June 5.
Ayon sa resulta, si Binay ay nakapagtala ng 57% na sinasabing tanging majority trust rating sa ikalawang quarter o 15 points na mas mataas sa 42% na trust rating ng Bise Presidente noong Marso.
Samantala, sinabi ng Pulse Asia na nakarekober naman ang Pangulong Noynoy Aquino sa kaniyang trust rating na nasa 50% na mula sa record low na 36% noong huling survey.
Ikatlo namang most trusted si Senate President Franklin Drilon na may 45% at sinundan ni House Speaker Feliciano Belmonte sa 28% samantalang 27% naman ang trust rating ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
By Judith Larino