Malaki ang kinalaman ng mga huling survey sa pagpili ng Iglesia ni Cristo sa ieendorso nilang pangulo at pangalawang pangulo sa darating na eleksyon.
Ayon kay sa Political Analyst na si Professor Prospero de Vera, batay sa mga nakalipas na eleksyon, puro lamang sa survey ang iniendorsong kandidato ng INC tulad ng sitwasyon ngayon ng kanilang inendorsong sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Bongbong Marcos na nangunguna sa presidential at vice presidential surveys.
Sinabi ni de Vera na isang beses pa lamang natalo ang kandidato na inendorso ng INC makaraang si Fidel Ramos ang manalong pangulo noong 1992 at hindi ang sinuportahang kandidato ng Iglesia.
Bahagi ng pahayag ni Professor Prospero de Vera
Gayunman, iginiit ni de Vera na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga kandidatong hindi nakuha ang endorsement ng INC.
Bahagi ng pahayag ni Professor Prospero de Vera
By Ralph Obina | Ratsada Balita