Pinag-aaralan ng ilang supporters ni Senador Grace Poe ang posibilidad na gawing alternatibong presidential candidate ang inang si Susan Roces sakaling i-disqualify ng Commission on Elections (COMELEC) sa 2016 Presidential elections.
Gayunman, sinabi ni Atty. George Garcia, abogado ni Poe na kinontra ng senadora ang nasabing hakbang.
Binigyang diin ni Garcia na kapag nangyari ang substitution ay mawawala na ang pagiging independent ni Poe dahil kailangan ang party membership sa pagpapalit ng kandidato.
Ayon kay Garcia, lumutang ang nasabing posibilidad dahil dumadami na ang disqualification case na inihain laban kay Poe.
By Judith Larino