Arestado ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, at 80 iba pang hinihinalang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa isinagawang Oplan Tokhang sa Culiat, Quezon City, kaninang umaga.
Sa report, tinukoy ni QCPD Chief Ssupt. Guillermo Eleazar ang hinihinalang terorista na si Juraid Sahibbun.
Kasama din sa mga naaresto ang umanoy drug lord sa Salam compound na si Hadji Abraham.
Ang 80 indibidwal ay nahuling nag po – pot session sa tatlong magkakaibang bahay.
Nakuha mula sa mga suspek ang 33 sachet ng hinihinalang shabu, apat na sanchet ng marijuana, tatlong live ammunition ng 9 mm, improvised samurai, kalibre 38, walong cellphone at iba pang drug paraphernalia.
By: Katrina Valle