Timbog ang isang Malaysian National na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa isang operasyon sa barangay Culiat, Quezon City
Ayon kay Chief Inspector Roque Merdigia ng anti trans national crime unit ng criminal investigation and detection group si Amin Aklam na isang hardened ASG member ay inaresto sa isang bahay sa Cotabato St sa Barangay Culiat
Sinabi ni Merdigia na kabilang ang suspek sa listahan ng most wanted persons na may kaugnayan sa Abu Sayyaf Group na inisyu ng DND at DILG
Si Aklam ay nahaharap sa kasong kidnapping with frustrated murder sa Jolo RTC sa Sulu
By: Judith Larino