Inilibing na ang hinihinalang drug lord na si Melvin Odicta at asawa nitong si Meriam sa kanilang hometown sa Iloilo City.
Bago ihimlay ay iprinusisyon ang labi ng mag-asawa sa Immaculate Conception Parish mula sa kanilang bahay.
Sumama sa prusisyon ang lahat ng taxi at van na pag-aari ng mga Odicta kung saan bawat isa ay nilagyan ng itim na flaglet bilang pakikidalamhati sa pagkamatay ng dalawa.
Nakipaglibing din ang mga kaanak, kaibigan, empleyado at residente ng barangay Malipayon sa pangunguna ni Barangay Chairman Noel Odicta, na kapatid ni Melvin.
Magugunitang pinagbabaril ang mag-asawa pagbaba ng mga ito sa RORO vessel Caticlan, Malay, Aklan ng mga hindi nakilalang salarin, noong Agosto a-Bente Nwebe.
By: Drew Nacino