Inisnab ng negosyanteng si Peter Lim, convicted drug lord Peter Co at iba pang mga respondent ang ginanap na preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ).
Ito ay may kaugnayan sa kasong isinampa ng PNP – CIDG o Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group kaugnay sa pangangalakal at pagbebenta ng iligal na droga.
Dumalo naman sa pagdinig si Kerwin Espinosa, na nakasuot pa ng bullet proof vests ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa abogado ni Lim na si Atty. Magilyn Loja, pangamba sa seguridad ng kanyang kliyente ang dahilan kung bakit hindi ito nakadalo sa pagdinig.
Nangako naman si Loja na maghahain na ng kontra salaysay si Lim sa susunod na pagdinig ng DOJ na itinakda Agosto 24.
Muli ring iginiit ni Loja ang mariing pagtanggi ni Lim na siya ang tinaguriang alyas Jaguar ng PNP.