Tiklo sa lalawigan ng Laguna ang suspek na si Marvin Cuna matapos mapatunayang nagbebenta ng mga pekeng quarantine pass na may pirma umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ulat ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, na umaabot sa P1,500 hanggang P3,000 ang halaga ng ibinibentang fake quarantine pass ng suspek na si Cuna.
Maging ang lagda umano ni Pangulong Duterte ay pineke ni Cuna na nagpakilala pang miyembro ng Inter Agency Task Force (IATF).
Una nang sinabi ng tanggapan ng Pangulo na hindi konektado sa OP ang naturang suspek na nasa kostudiya na ngayon ng NBI.
Nahaharap si Cuna sa reklamong paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act of 2020 at falsification of documents.