Inaresto ng Laguna Provincial Intelligence Unit, PDEA-Laguna at San Pedro Laguna Police ang suspek na si Francisco Lopez matapos na mag-iwan ng mga stuffed toys, hair products at food supplements packages na naglalaman ng marijuana iwan sa isang courier service.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa P156,000 ang halaga ng marijuana na kanilang nasabat mula sa suspek.
Sinabi ni San Pedro Police Lieutenant Colonel Jesus Lintag, matagal na nilang sinusubaybayan si Lopez sa tulong narin ng courier service para agad itong ma-track at maaresto.
Una nang sinabi ng San Pedro Police Office na dalawang courier service rider na ang kanilang nasakote sa ikinasang police operations sa General Santos at Caloocan City makaraang matuklasan na may lamang marijuana stuffed toys na idi-deliver ng mga ito.