Inaresto ng mga otoridad ang isa sa mga suspek na nang hablot sa celfon ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.
Sinabi ni Makati Sub Station 7 Commander Police Captain Edison Mabaet na nasa loob ng kanyang sasakyan ang aktres nang tangayin ng tatlong suspek ang celfon nito.
Hawak aniya ni assistant ng aktres ang celfon para kunan ang isang billboard sa EDSA nang hablutin ito ng mga suspek na kaagad namang hinabol ng driver ni Gonzaga kasama ang mga nagpapatrulyang pulis kaya’t naaresto ang isa sa mga suspek.
Gayunman, hindi naman kaagad narekober sa suspek ang celfon ng aktres kayat nagsagawa ng follow up operation ang mga otoridad kung saan narekober ang gamit ng aktres.
Nahabol naman ng mga otoridad ang celfon ng aktres na ibebenta na sana ng 80,000 pesos.
Pinalaya na rin ang suspek dahil hindi na nagsampa ng kaso ang aktres matapos marekober ang kanyang celfon.