Naaresto na ng mga otoridad ang suspek sa panununog ng buhay sa isang bata sa Maigo, Lanao Del Norte.
Ayon kay Maigo Police Chief Lt. Baltazar Deguilmo, umuwing lasing si Florencio Curay sa kanilang tahanan at nalamang nawawala ang kayang pera.
Pinaghinalaan niyang kinuha ito ng kanyang kinakasamanh si Janet Balde kaya nagkaroon ng pagtatalo ang sakitan ang dalawa.
Tumakas ang ina para huminge ng tulong habang naiwan naman ang anak dalawang taong gulang nitong anak.
Nakita na lamang sinusunog ng suspek ang bata kasama ang mga tuyong dahon at damo sa labas ng kanilang tahanan.
Kasalukuyan nang nakakulong sa Maigo Police Detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong arson at paglabag sa child abuse law.