Naghigpit ng seguridad ang mga otoridad sa Paris, France matapos ang naging pag-atake sa isang pulis sa labas ng tanyag na Notre Dame Cathedral.
Batay sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, gamit umano ng suspek ang isang martilyo sa pag-atake sa pulis ngunit agad naman itong napigilan nang mabaril ang suspek at mapatay.
Patuloy namang iniimbestigahan ng French authorities ang naturang insidente at tinitingnan kung may kinalaman sa terorismo ang nasabing pag-atake.
By Jaymark Dagala