Napatay matapos na manlaban umano sa pulisya ang isang suspek sa kasong illegal possession of firearms sa Iloilo City.
Ayon sa mga pulis, may dala silang warrant of arrest laban kay Weinemer Bodales pero tinangka raw nitong barilin ang isa sa mga pulis.
Dahil dito, pinaputukan na siya ng mga pulis na dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Samantala, nakuha kay Bodales ang isang baril at isang kutsilyo.
By: Avee Devierte