Makaraan ang sampung taon, sinentensiyahan na ng Korte ng habambuhay na pagkakabilanggo ang akusado sa pagsabog sa Kamara na ikinasawi ng lima katao habang sampu naman ang nasugatan.
Batay sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court o RTC, napatunayan na walang dudang nagkasala si Iram Indama sa kasong multiple murder at attempted murder.
Magugunitang bago ang pagsabog noong Nobyembre 13, 2007 ay nakita pa si Indama na pumasok sa bisinidad ng Kamara habang sakay ng isang motorsiklo.
Kabilang sa mga nasawi sa pambobomba si Congressman Wahab Akbar at apat na iba pa.
Sa kabila nito, dismayado pa rin umano ang kamag – anak ng ilan sa mga biktima dahil hindi pa rin napapanagot ang mga utak sa likod ng naturang krimen.