Hawak na ng Bulacan PNP ang suspek sa pagpatay sa limang (5) magkakaanak sa San Jose del Monte City.
Kinilala itong si Carmelino Ibañez, isang construction worker.
Ayon sa pulisya, inamin ni Ibañez ang pagpatay at sinabing may dalawa (2) pa siyang kasamahan.
Aniya, galit ang dahilan ng kanilang pagpaslang sa limang (5) miyembro ng pamilya Carlos matapos na hindi sila pa-igibin ng tubig ng isa sa biktimang si Estrella Dizon.
Inamin rin nito na lango sila sa droga at alak bago ginawa ang pagpatay at panggagahasa.
Sa kasalukuyan ay patuloy na pinaghahanap ng Bulacan PNP ang dalawa pang kasamahan ni Ibañez.
By Krista de Dios
Suspek sa Bulacan massacre hawak na ng PNP was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882